Hindi ko na kailangang makiuso/para lang mapatunayang
Lubos/dalisay nga ba talaga ang umaagos?
Mga pagkakamali ko/dinaan sa padalus-dalos
Sa Ilocanja siniyasat/ang hanggahan ng isipan
Nilinang at pinalawak/para sa kinabukasan
Isinilang/walang perpekto!/Hip-hoppa hindi cono!
Sa mga maling bintang/hindi na ako magpapaapekto
Ako po'y nilikha/araw-araw nagpapasalamat
Ito ang aking paraan/batay sa nakasulat
Namulat/sa paligid ng mga buwitreng handang manila
Utak talangka/hahatakin ka pababa
Sa bigat ng mga dumarapo/nananatili pa ring nakatayo
Naturingang may gatas sa labi/sa isipan maraming plano
At nakikinita ko/ang aking patutunguhan
Gabay ang Panginoong Diyos/sa napiling masalimuot na daan...


No comments:
Post a Comment